"Anong ginagawa ni Abby dito?" Tanong ni Iya sa kanya habang patungo sila ng asawa sa pool area. Pag-alis ni Abby mabilis s'yang umakyat sa itaas para magbihis, tanging boxer shorts lang ang suot n'ya ng bumaba at mabilis na niyaya ang asawa para matuloy na ang plano nilang mag swimming. Habang naglalakad hindi n'ya maalis ang mga mata sa magandang katawan ng asawa. Namamagnet ang mga mata n'ya sa katawan ng asawang nasa harapan n'ya ngayon. "Giovanni," tawag nito sa kanya at liningon s'ya. "Anong ginagawa ni Abby dito?" Mariing tanong nito muli, may himig inis sa tono ng boses nito. Huminto ito sa paglalakad at tinignan s'ya sa mga mata. Napatigil din s'ya sa paghakbang at tinignan ang magandang mukha ng asawa. Napakaganda ni Iya, napakabatang tignan ng mukha nito, napaka inosente ng