"Hija, sigurado ka ba sa sinasabi mong iyan? Aba eh, buhay mo ang pinag-uusapan natin dito." Wika nito sa kanya. "Sigurado na po ako tita, siguro panahon na po talaga ngayon para ibalik ko ang lahat ng kabutihan ng anak niyo sa akin." nakangiting wika niya dito. Bukal sa loob niya ang gagawin niyang pagsasakripisyo ng kanyang buhay para sa kanyang mahal. Paano siya magiging maligaya kung siya ang magiging dahilan kung bakit wawakasan ng kanyang mahal ang buhay nito. Kaya mas nais niya na siya na lamang ang magsakripisyo, tutal wala naman sa kaniya nagmamahal. Wala naman sa kanyang maghahanap na mga magulang. Hindi katulad nito na libos na masasaktan at mangungulila ang mga magulang nito kapag ginawa nito iyon. At isa pa ang kanyang mahal lamang ang nagpalasap sa kanya ng tunay n

