"Oh Mahang, nakauwi na ba sila? Hayss kahit kailan talaga yan si manang masyadong bungangera. Kahit na mga bisita natin hindi man lang pinalagpas nakakainis talaga!" Sambakol ang mukhang wika nito sa kanya. Bumungad pa lamang siya sa hagdan. Naabutan niya itong inaayos na nito iyong mga pinag-inuman nila. "Oo, nakauwi na sila. Hayaan mo na, medyo lasing na rin kasi talaga yung mga tropa ko at medyo maingay na sila kaya tama lang na umuwi na sila. Tsaka alam mo naman na may baby sa baba kaya siguro nagalit si manang. Tapos si Manong napakaaga niyang pumapasok sa trabaho, minsan nga nararamdaman ko mga 3am palang gising na siya diyan sa baba." mahinahong wika niya sa kanyang mahal. Pero ang totoo nag-iisip siya kung papano ang gagawin niya para matulog ng maaga ito sigurado kasing hindi