Pagpasok niya ng silid ay bumungad agad sa kanya iyong mga portrait doon. Animo lahat nakatunghay sa kanya ang mga mata kaya ayaw na ayaw niya na magtutungo doon dahil gano'n ang kanyang pakiramdam. Pero kahit na gano'n ay ukupado pa rin ang kanyang isipan kung ano bang maaari niyang itulong sa anak pati na kay Janine. Alam niya na noon ay tiyak niyang hindi naman nagpunta ng Manila, kundi nasa kabilang bayan lamang ito kasama ng kanyang asawa. Maging ang kanyang asawa ay alam na nito ang plano ni Janine. Naaawa ito sa dalaga pero katulad niya humahanga din ito sa kabutihan ng dalaga. At ilang oras na lang ay magaganap na ang kinakatakutan niya sabihin mang hindi mapapahamak ang kanyang anak at ang mapapahamak lamang ay si Janine pero iyong takot niya. Kapag nalaman ng kanyang anak ang

