Sinamahan nga siya ng Mommy ni Khalil patungo sa tree house. Hinintay siya nitong makapasok at mai-lock ang pinto pati na ang mga bintana doon bago ito nagpasyang bumalik sa loob ng bahay. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil habang naglalakad sila patungo sa tree house ay nakikiramdam din siya. Syempre nakakaramdam din siya ng takot dito dahil alam niya na kauri din ito ng anak nito at ng asawa. Iyon nga lang ang ipinagtataka niya ay bakit hindi ito nagpalit anyo katulad ng dalawa. Nananatili pa rin itong normal na tao pero nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi na siya sobrang kinabahan habang patungo sa three house. Kanina kasi feeling niya ay may mga halimaw na nagmamanman sa kanya kung kailan siya lalabas ng bahay. Minabuti niyang mahiga sa kutson na nandooon pero wala siyang b

