Sobrang sama ng pakiramdam ni Khalil ng maalimpungatan siya, nagising siya na wala na si Janine sa kanilang bahay siguro namimili ito. Narinig din niya ang pagkakagulo ng mga tao sa labas base sa mga naririnig niya ay natuklasan na nang mga ito ang tungkol sa mga asong nilapa niya kagabi. Kanya-kanyang opinyon ang mga nakiki-usyosos. May mga nagsasabi na siguro daw aswang. Siguro may mga taga ibang lugar na dumayo ng mga aswang or mga adik ang may gawa. Ang daming haka-haka may mga nagagalit pa na nagtatalo pero hinayaan na lamang niya dahil sobrang sama talaga ng kanyang pakiramdam. Parang hinanghina siya na dapat sana malakas siya kung tutuusin dahil naibigay naman niya sa kanyang katawan ng nais nito kagabi. Pero sa totoo lang diring-diri siya kapag iniisip niya kung papaano niya n