Ilang oras ng paikot-ikot si Khalil sa kagubatang iyon pero wala talaga siyang mahanap tila nagtatago ang mga ligaw na hayop doon. Kaya nagpasya siya na magtungo na lamang sa pinakang sentro ng kanilang bayan dahil doon siguradong maraming alagang hayop ang mga taong naninirahan doon. Ayaw sana niyang magtungo doon dahil hindi pa niya gamay ang mga tao dito pero wala naman siyang mahanap na makakain dito sa kagubatan kaya okay na ako magtungo siya doon. Tsaka kung mapatay naman siya ng mga tao okay lang kaya lang ayaw kasi niyang madamay ang kanyang mga magulang kapag napatay siya ng mga tao at bumalik siya sa dati niyang anyo siguradong makikilala siyang anak ng mag-asawang Del Frio. Kaya siguradong pati ang kanyang mga magulang ay manganganib din kaya kahit na nais na niyang mamata

