Matapos ang ika-40 days ng pagkamatay ni Corazon ay minabuti nina Khalil at Janine bumalik na lamang muna sa Manila. Hindi para mag-stay doon at doon na manirahan kundi para lamang magpaalam sa mga kaibigan nila. At saka gusto rin niyang kahit papaano ay makalimutan ang nangyari sa kanyang Mommy. Kahit na isang buwan lamang sila bago sila bumalik sa probinsya para doon na manirahan kasama ng kanyang Daddy. Naging payapa na rin ang bayan ng San Miguel. Ang mga tao ay nagtataka ngunit katulad ng dati ay nag-iingat pa rin ang mga ito, iniisip siguro na nagpapahinga lamang ang aswang na nananalakay sa bayan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito ang pinagluluksa nilang namatay na si Donya Corazon na napakabait para sa kanila. Tumutulong sa lahat ay siya pala ang aswang kaya naman natigil

