Panay ang tingin sa orasan ni Janine dahil inip na inip na siya. Paano ba naman kapag pala hinihintay ang oras ay lalong parang napakabagal ng pagkilos niyon. Pakiramdam niya ay napakatagal ng oras, ilang oras pa ang hihintayin niya para bumalik sa dating anyo ang kanyang mahal. Ngayon na ilang oras pa lang ay talagang napakahirap na para sa kanya. Panay pa rin ang atungal nito pero kaunti lamang ang lumalabas sa boses dahil nga nakabusal ang bibig nito. Sige lang din ito sa pagpupumiglas sa kadena na nakatali sa dalawang kamay nito at pati na sa paa. Kitang kita niya ang paghihirap nito, animo nahihirapang huminga , lumuluha kahit na nanlilisik ang mga mata at tila may gusto itong sasabihin sa kanya pero hindi nito masabi iyon. Kundi puro lamang ito atungal at nalilisik ang mga matan