Nakailang balik na si Janine sa ibaba ng hagdan para tingnan kung paparating na ang kanyang kuya Khalil pero hindi pa rin ito dumarating. Panay ang tingin niya sa kanyang orasang pambisig at sinasabi doon na malapit ng mag-alas dose ng tanghali pero hindi pa rin umuuwi ang kanyang kuya. Naka dalawang beses na niyang ininit iyong sinigang na bangus na niluto ng kanyang Kuya. Maayos naman ang lasa niyon, hindi naapektuhan ng sunog. Iyon nga lang bahagyang natuyuan kaya nilagyan ulit niya ng sabaw at muli iyong tinimplahan. Nag-aalala na siya dito dahil hindi naman nito iyon ginagawa lalo pa at kung kakain na sila sa sa pananghalian. Hindi nga ito nakakain ng wala siya eh minsan nga kapag pumapasok ito sa school ay nagtitiis ito ng gutom dahil nais nito na kasabay siyang kumain. Pero ngay