Matapos ang masarap na ang sandaling iyon nakanilang pinagsaluhan minabuti nila na magpahinga na muna sa kanilang silid dahil maaga pa naman. At saka nakaluto na rin siya ng para sa hapunan. Gusto lang niyang makausap ng matagal ang kanyang mahal dahil sobrang mabibilang lamang talaga sa kamay ang mga updates nito sa kanya noong nasa Batangas ito kaya gusto niyang alamin ang bawat ginawa nito doon. Nakaunan siya sa braso ng kanyang kuya habang ito ay tila may malalim na iniisip at naka tingin lamang sa kisame. Hindi tuloy niya alam kong ano ang sasabihin dito, gusto niya itong makausap at tanungin ang mga nangyari dito sa Batangas pero parang naiilang siya. Pag-uwi ng kanyang mahal ay sabihin man na mainit pa rin ang pagtanggap nito sa kanya at mainit pa rin ang pinagsaluhan nilang