"Ikaw na bata ka ay tigil-tigilan mo ako kung ayaw mong samain sa akin!" ismid ni Rizza sa panganay na anak. "Hindi na po siya bata, Mommy. Aba'y apat na ang mga apo mo sa kaniya kaya't hindi na po siya bata." Hagikhik pa ni Bianca Isabella. Napagkasunduan naman kasi nilang magkakapatid na alayan ng bakasyon mga magulang nila. Ang mga taong pinagkakautangan nila ng buhay. At wala nang ginawa kundi ang suportahan silang lahat. "Sige na, Mommy. Bakasyon n'yo na rin po iyon ni Daddy. Nandito naman po kaming maiiwan. Kaya't huwag ka na pong mag-alala," ani pa ni Elena Grace. "Since na kaming mag-anak ang bakasyonista rito sa Spain ay kami na po ang nagsasabing go and enjoy yourselves, Daddy, Mommy. Alam naman po naming kami rin po ang inaalala ninyo. Ngunit kagaya po nang sinabi ko ay kaun

