Few months later... "O, Mommy, bakit mukhang inaway ka ni Daddy?" may pagtatakang tanong ni Bianca Isabella sa inang kulang na yata ay mabasag ang hawak-hawak na baso. "Huwag mo akong simulan, Bianca. Kung wala kang trabaho ay huwag mo akong pansinin dahil baka ikaw ang mapagbalingan ko," tugon nito. Kaso hindi iyon pinatulan ng dalaga. Kilalang-kilala nilang magpamilya ang ugali mayroon ang kanilang ina. Hindi ito magagalit na walang dahilan. Ayon nga sa mga ninuno nila rito ay malditang may sungay daw dahil madaling uminit ang ulo. "Mother dearest, alam kong may problema ka kaya't kulang ay mabasag ang basong hawak mo. C'mon, Mommy, I'm here with all ears. Girls talk na po tayo kung ano po iyan." Imbes na patulan niya ito ay naupo siya sa tabi nito saka umakbay. Sa pahayag ng dalaga

