Couples Of months later... "Mukhang mayroon tayong mahalagang pag-uusapan mga balae. Aba'y talagang napasugod kayo rito ah. Pasok kayo." Masayang salubong at pagpapasok ni Xander sa mga bisita. "Maraming salamat, balae. At tama ka may pag-uusapan tayo pero kami ang makikiusap," sagot naman ni Garrette nang nakaupo na sila. Samantalang hindi agad sumagot ang mag-asawang Xander at Mayla. Dahil bukod sa nagpahanda ng meryenda ang Ginang ay nagkatinginan pa sila. Mukhang napakaimportante ang sadya ng mga balae nila. "Magmeryenda muna kayo mga balae. Bago tayo magpatuloy sa ating pag-uusap," ilang sandali pa ay wika ni Ginang Mayla nang nailapag ng kasambahay ang ipinahandang meryenda. "SIYA nga pala, kako kami ang makikiusap sa inyo kaya't kami ay napasugod. Hindi naman siguro lingid sa a

