"It's been a while since we've gathered like this," masayang ani Lewis Roy. "Paanong hindi ngayon lang, Uncle samantalang abalang-abala ka yata sa TWIN TOWER EMPIRE mo," pabirong ismid ni Enrico. "Tsk! Tsk! Nagsalita ang hindi abala. Aba'y bihira na nga kayong lumipat sa bahay. Kung hindi pa dahil sa mga bata ay hindi tayo nagkikita-kita," taas-kilay ding saad ni Aries Dale saka pabirong binatukan ang pinsang nasa tabi. Akmang gaganti pa si Enrico sa pagbatok ngunit naagapan ng tiyuhing kaedaran nila. Akala niya ay pangiti-ngiti lamang ito sa tabi. Kaso nagkaunawaan na naman pala ang dalawa. At bago siya makaiwas ay napagitnaan na siya ng mga ito. "Well, well, nakorner ka rin naming Espanyol kulot-kulot ang mga buhok. Aba'y kulang na lamang ay ibulsa ka ng asawa mong kahit kagaya natin

