Sa hospital kung saan nagtratrabaho si Enrico. "Sorry, Sir, pero buo na ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto ninyo ay magbibitiw na ako," may finalidad niyang sabi. "Kung iyan ang nais mo doctor Cameron ay wala na kaming magagawa dahil nauunawaan ka namin. We are all aware who you are in this hospital. So, I'm suggesting that you need to talk to your sister in-law. At sana ay dalaw-dalawin mo rin kami rito. Good luck to your new journey of life," tugon na lamang ng pumangalawang mataas na doktor sa kaniya sa pagamutan. "Thank you, Sir. Hindi na rin po ako magtatagal dahil aasikasuhin ko pa ang travel documents ko para makauwi na kami ng asawa ko. About your suggestions, mauunawaan ako nina Leonora at Aries Dale kaya't huwag n'yo akong alalahanin," sagot na lamang din ni Enrico saka muli

