NAAYOS na ni Mari ang lahat ng mga kailangan ng kaniyang mga kapatid sa paglipat sa Nueva Ecija para doon mag-aral. Nakapag-empake na siya ng mga gamit. Maiiwan dito sa Pangasinan ang kaniyang kapatid na si Lorie, kasama ni Joaquin. Nabanggit na niya sa kaniyang kaibigan ang kaniyang plano at wala naman itong pagtutol. Naipaliwanag na niya sa kaniyang mga kapatid ang dahilan ng kanilang paglipat ay nauunawaan naman ng mga ito ang personal niyang rason. Lumabas siya sa kanilang bahay para bumili ng mga chips dahil bigla siyang nag-crave. Nasa tapat na siya ng tindahan ni Aling Ernie nang biglang may humintong kotse sa tapat ng kanilang bahay. Iniwan niya sandali si Aling Ernie at lumapit sa humintong kotse. Lumabas mula roon si Denise kasama ang assistant nitong si Hiro. Nang makita siya