HINDI maalis ni Roel ang ngiti sa kaniyang labi habang pinaglalaruan at pinapaikot niya ang sitwasyon ni Denise. Hindi totoong mahal niya ito kun'di ginagamit lamang niya ang dalaga para makapasok siya sa buhay nito at makuha niya ang dapat na para sa kaniya. Mahabang panahon din ang ginugol ni Roel para maging magaling na investigator. Naging sunod-sunuran siya kay Don Ortiz dahil sa mga pagkakautang ng kaniyang ina rito. Hindi niya nakakalimutan na dahil sa matandang iyon nakulong ang kaniyang ina. Pinaniwala siya ng mga ito na mabuti silang mga tao. Huli na nang malaman niya ang dahilan kung bakit pilit siyang tinulungan ng Francia Foundation. Si Denise ang magdurusa sa lahat ng iyon. Nakaharap siya sa table bar habang umiinom ng alak. Alam na niya ngayon ang dahilan kung bakit nagp