Tanghali na nang magising si Mari kinabukasan. Napasarap ang tulog niya dahil sa dalawang bote ng beer na ininom niya. Iyon nga lamang ay pabalik-balik naman siya sa banyo dahil suka siya nang suka. Napansin siya ni Lorie kaya nilapitan siya nito at binigyan ng basang bimpo para pamunas sa kaniyang mukha. "Ayan, sabi na ko na kasi ate, huwag ka na uminom pero hindi ka nakinig. Magpapakulo ba ako ng beer na panligo mo?" Ibinato niya kay Lorie ang hawak niyang bimpo. "Ikaw talaga. Sayang kung panliligo ko!" ganting biro niya sa kapatid. "Dadadaan nga ako mamaya sa center, baka sumisige na naman ang ulcer ko. Ay, oo nga pala, Lorie, nakalimutan ko." Hinilamusan muna niya ang mukha sa lababo at pinunas ng tuwalya ang kaniyang mukha. Nagtungo siya sa kuwarto niya at kinuha ang kaniyang nat