Dinala ni Jared si Mari sa Sanctuary Café dahil ngayon ang araw na ikakasal si Sid kay Denise. Napaaga ang kasal nito dahil dumating kaagad ang mga biyenan ni Sid na galit na galit. Nalaman kaso ng mga iyong buntis si Denise at pinapadali ang kasal. Inilayo niya sandali si Mari para hindi nito makita ang pinakamasakit na bahagi ng buhay nito. Alam niyang hindi niya kayang maging kapalit ni Sid kahit saang anggulo ng buhay ni Mari ngunit gagawin pa rin niya ang lahat dahil iyon ang alam niyang makakabuti para sa dalaga. Imbes na pakasalan niya ito ay nagpagawa na lamang siya ng pekeng marriage contract. Hawak na niya iyon para ibigay kay Mari. "Ang ganda naman ng café mo." Wood ang lahat ng mga gamit. Ang refrigerated cake display ay nasa tabi lamang ng counter. Iced coffee jelly ang kan