Chapter one hundred thirty one MONICA’S POV’S Nagtataka na ako kay mama parang may kakaiba sa kanya kaso ayoko naman sabihin kay papa dahil baka kung anong gawin sa kanya Alam ko na sindaya ni papa na maging lumpo si mama kaya natatakot ako na baka kung anong gawin niya pa kay mama na mas malala at lalo naman sa akin Wala akong kalaban laban sa kanya Apon lang naman ako dito at pekeng prinsesa ng imperyo nila Naaawa naman talaga ako kay mama gustong gusto ko na isiwalat si papa sa kanya kaso iniisip ko rin ang kapakanan ko lalo pa at dito na ako lumaki wala akong mapuntahang ibang lugar Saan na lang ako pupulutin kapag nalaman nilang peke ang Monica na narito sa imperyo? Mas lalong mapapalayo sa akin si Jao Kaya kung ano ang inuutos sa akin ni papa sinusunod ko na lang din para wa