Chapter forty five CONAN’S POV’S Sinasabi ko na nga ba mapapahamak sya nararamdaman ko na kaya palagi kong sinusundan tong batang to dahil hindi nag isiip to ng matino “ Kaya mo bang maglakad?” tanong ko sa kanya habang inaalalayan ko sya “ Kaya naman teacher malakas kaya to” pasaway nga nagawa pang magbiro kahit may saksak na sya sa likuran niya Hindi ko sya natulungan kanina dahil sa dami ng tao sinundan ko na lang sya dito kaso huli na, may saksak nap ala sya sa likuran niya at napatay na rin niya itong myembro ng sindikatong may tatak na lion sa leeg. Mga sindikato ang mga ganyang may tattoo sa leeg na lion sila ang mga kumakalaban sa reyna na si Justine. Kaso bakit tong alaga ko pa ang napuruhan hays tang ina naman oh Agad ko syang inalis sa lugar na yun baka may makakita pa s