Chapter one hundred fifty five ALBIE’S POV’S Nakauto nanaman ako ng isa, hindi pa umaalis si Jao dito dahil ang akala niya ginagawa ko ito dahil gusto ko siyang makasama. Bugok ka! Wala akong pakealam sayo, may kailangan kase ako kayak o ginagawa ito, kung wala lang akong kailangan sayo malamang wala ka sa harapan ko ngayon. “ Maiwan muna kita, may kukunin lang ako sandali sa kwarto ko anak.” “ Sige po.” Naging magaan na ang loob niya sa akin ngayon, si Justine ang kailangan kong makausap, tignan natin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang magkasama kami ng anak niya hahaha. Tinawagan ko si Justine habang nasa kabilang kwarto ako, mabuti na lang nakokontak ko pa itong lumang numero niiya. ( Bakit ka tumatawag?) “ Ang ganda naman ng bungad mo, wala lang namiss la