Chapter thirty two MARGO’S POV’S Nagpahangin ako dito sa labas kung saan walang makakakita sa akin, hindi parin kase mawala sa isipan ko yung nangyari Nakaramdam ako ng matinding lungkot kanina hanggang ngayon kaya ayokong ipakita yung itsura ko sa mga kasama ko aasarin lang kase nila ako. Kailangan kong puntahan ngayon yung anak ni manong para matignan kung anong sakit, dadalhin ko na rin sya sa ospital para mapagamot doon ipapakaltas ko na lang sa sahod ko yung magagastos ng bata sa ospital ni cher Conan Nagbabalak palang akong umalis pero naabutan ako ni Jao dito at lumapit sya sa akin Oo nga pala may alam pala syang isang daanan pa na patungo sa lugar na to, ang payapa at mahangin kase dito. Makakapag isip isip ka talaga kapag narito ka. “ Kaya pala nawala ka bigla kanina” teka