Chapter sixty one JAO’S POV’S Kasama ko mga pinsan ko ngayon pero yung utak ko nakafocus parin kay Tres at Margo nag iisip nanaman ako ng plano Yung tatlo naglalaro ng dart habang nagkwekwentuhan Ako naman nakatapat sa bintana habang umiinom ng malamig na juice at nagplaplano sa isipan ko kung anong susunod na hakbang ko kay Tres at Margo Hindi ako namamalikmata noong nakaraan alam kong si Tres ang nakita ko kaya naman mas lalong lumakas ang paghihinala ko na nasa paligid ko lang si Tres Nakapagtataka na rin kase dahil alam niya kung nasaan ako Alam niya kung nasa panganib ako Alam niya kung sino ang kalaban Hindi ba? Nakakapraning? Nakakagago pa kase hindi ko man lang malaman kung bakit niya ginagawa yun sa akin May nag uutos ba sa kanya o kusa lang? May kasabwat ba sya o wala