Chapter fifty two MARGO’S POV’S Tinitiis ko lang kanina yung phobia ko total hindi pa naman ganun kalakas ang kulog at kidlat kaso noong nakarating na kami sa imperyo ni Jao Lumalakas na ang kulog at kidlat kaya hindi ko alam kung magtatago ba ako o papaandarin ko na ang motor ko Nasa gilid ko lang si Jao kaya hindi ako makagalaw nagpipigil lang ako ng takot ko sa kulog at kidlat kaya nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko maigalaw ang motor ko Ilang minuto rin akong naging tanga habang kinakalma sarili ko Kaso wala akong magagawa kapag nanatili ako dito ng ganito baka mas makahalata pa si Jao sa akin kapag nalaman niya na Si Margo at Tres ay parehong takot sa kulog at kidlat Matalino sya alam kong mapagtatagpi niya lahat ng mga inoobserbahan niya lalo na at medyo malapit na ang