Chapter one hundred fifty three CONAN’S POV’S Lumapit sa akin si Jin upang makausap ako tungkol sa kanilang anak, hindi pa naman nagigising si margo kaya lumayo kami upang makapag usap ng maayos. “ Alam ko ang lahat, naipaliwanag na sa akin ni Tidus ang mga nangyari noon.” “ Mabuti naman kung ganun.” “ Salamat.” “ Hindi ka galit?” “ Bakit ako magagalit sa kaibigan kong halos ibuwis ang buhay sa amin.” Teka bebelabs ayoko ng ganyang kadramahan ah, kumikirot ang heart ko at napapaluha ako, ang sarap naman kaseng pakinggan niya. Teka punas sipon muna ako. Ngayon ko lang narinig yan kay Jin kaya mas lalo akong nainlove sa kanya hahaha ang ibig kong sabihin ay natuwa dahil akala ko galit sya. “ Hindi pa natin makakausap ng maayos si Ellie dahil nabibigla sya sa mga nalalaman niya nga