Chapter one hundred fifty nine JUSTINE’S POV’S Gusto ko ng sugurin si Albie ngayon kaso mapapahamak din ang mag ama kapag gumawa ako ng hakbang at naging padalos dalos ako. Tumupad ako sa usapan namin pero siya, hindi niya ginawa kaya naiinis ako, nauto nanaman niya ako at ginamit pa niya ang anak ko. Kung sana ay nagbibro lang siya na hawak niya si Jao kaso hindi, may ipinadala kase siyang litrato ng anak ko na magkasama sila kaya, alam kong hawak niya si Jao. Ang nakakabahala lang, may binabalak siyang masama ngayon at gusto niyang ako ang pumatay kay Jin. Binigyan ako ng baril ng tauhan niya kaso hindi ko ginagalaw, nakapatong lang ito sa dalawnag palad ko habang nanginginig ang mga kamay ko. “ Justine akala ko ba masunurin ka?” inaasar nanaman niya ako “ Bakit hindi mo gawin ang