KINAUMAGAHAN, sinulit ko ang mga natitirang oras na makakasama ko siya bago kumagat ang gabi. Sinisigurado ko na ako ang mag-aalaga sa kaniya at mag-aasikaso. Sisiguraduhin ko muna na magiging okay sila ng anak ko bago ako magpunta sa cueva de los malditos para paghandaan ang paglabas ng pagkatao ni Vladimir mula sa katawan ko. Sa pagtitig ko sa maamong mukha ni Alira na mahimbing na natutulog ay naalala ko ang napag-usapan namin ni Dad kasama si Heves. "Last night Vladimir tried to take over my body but I am so thankful I was able to stop him. But I’m not sure if I’ll even be able to stop him in the coming full moon." Tiningnan ko si Heves. "Please tell Dad what we did before to stop Vladimir from coming out." Tumikhim si Heves bago nagsalita. "Dinala ko si Hades sa Cueva De Los Mald