"NOOO!" Bumalikwas ako ng bangon habang hinahabol ko ang aking paghininga. Taas-baba ang dibdib na inilibot ko ng tingin ang paligid. Wala akong ibang makita kundi puro puti at maraming aparato sa tabi ko. I know this place. I'm in the hospital. Bumaba ang tingin ko sa IV na nakatusok sa kanang kamay ko. I shook my head and cry. Ang pinaka ayaw kong lugar sa lahat ay ang pumunta sa hospital, dahil sa ganitong lugar ko nakita kung paano bawian ng buhay ang mga magulang ko. Marahas kong tinanggal ang IV na nakatusok sa kanang kamay ko at daling bumaba mula sa hospital bed. Pero nang maiapak ko ang aking mga paa sa malamig na simento ay nanlambot ang mga tuhod ko kaya paupo akong natumba. Naglikha iyon ng ingay dahil kasabay kong nagtumbahan ang ibang aparato. "Alpha!" Agad akong dinluha