NAMULSA ako habang nakatayo sa gilid ni Hera na nakaupo naman kaharap ang mga magulang namin. Sinabi na namin sa kanila ang tungkol sa nakita ni Hera, maliban lang sa huli nitong nakita. "Dad, noong panahon na inalay mo ang buhay mo kay Mom, akala namin naisama mo ang lahat ng mga bampira? Pero bakit isa-isa na ulit silang lumalabas ngayon?" Hera asked Dad. Iyon din ang malaking katanungan ko noong nalaman ko na may umaaligid na naman na bampira sa Alta Montaña. "That's what I thought. Nang makabalik ako sa inyo, may isang elder na lumapit sa akin at sinabi nito na ang tanging mamamatay lang ay iyong mga bampirang kasama ko sa Sacred Wood, that's why you and Hades are still alive," paliwanag ng aming ama. "Hindi ko lang lumubos maisip na madadamay pa si Alira sa problema namin ng Momm