PILIT kong kinalma ang aking sarili habang bumababa sa hagdanan. Nandoon sila Tita Celestine, Tito Scoth, Lion at Hera. Nang makita ko ang likuran ni Hades ay awtomatiko akong nakaramdam ng pananabik sa kanya, pero pinigilan ko ang aking sarili na takbuhin siya at yakapin ng mahigpit dahil alam kong hindi ang nakilala kong Hades ang nasa harapan namin ngayon. Nang lingunin niya ako at agad na sumilay sa mga labi niya ang isang ngiti pero hindi tulad ng mga ngiting ibinibigay sa akin noon ni Hades. Hindi lang iyon ang nagbago kundi pati ang kulay ng mga mata nito, mayroong bahagyang ginto sapula nitong mga mata. "Alira..." Humakbang siya palapit sa akin at hinayaan ko siyang yakapin ako. Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang prisensya ni Hades. "I miss you," anas niya. "Kung