HARVEY’S POV Buong suyo na hinahaplos ko ang pisngi nang natutulog kong asawa. Dalawang araw na akong walang sapat na tulog ngunit napawi ang lahat nang pagod ko ngayon na kayakap ko na ang aking asawa. Mahal na mahal ko si Francheska. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang tatlong taon na hindi ko siya kapiling. At hindi ko na makakayanan pa kung madadagdagan pa ng ilang taon o kahit ilang araw lang. Hindi ko na papayagan na mawala siya sa akin. Batid ko na nasaktan ko siya ng husto sa eksenang nasaksihan niya sa hotel. Pero wala akong magagawa. Kailangan kong protektahan si Danica dahil buhay niya ang nakataya. Kaya kami magkasama sa hotel dahil tinawagan ako nang kanyang ka-live in partner niya na si Anrica. Humihingi nang tulong dahil hindi daw si nagigising Danica dahil napasob

