FRANCHESKA'S POV Tama na ang pagmukmok at sisisihin ang sarili sa mga nangyari. Sa kabilang banda hindi ko naman ginusto ang mga nangyari. Oo, naging makasarili ako pero hindi ko kagustuhan na mapahamak si Mariel lalo na ang kanyang baby. Hindi ko naman akalain na gagawin ni Aldred ang bagay na iyon. Isa pa, naapektuhan na rin ang pagsasama namin ni Harvey. The more nakikita niyang umiiyak at nagmumukmok ako ay the more rin na sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga naging desisyon. May tatlong araw rin akong hindi pumasok sa opisina. Pakiramdam ko kasi hindi pa akong handa na harapin si Mariel pero hindi ko naman pwedeng hayaan siya sa plano sa pagwasak sa pamilya ko. Gusto kong iparating sa kanya na nagkamali siya ng babanggain. I'm Francheska Liu, at gaya ng paulit-ulit kong sinasabi

