FRANCHESKA'S POV "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko kay Harvey na puno ng hinanakit ang mga mata. Ilang araw ko na siyang napapansin na balisa. Madalas tahimik. Wala naman akong nakukuhang sagot kapag tinatanong ko. Kahapon kung hindi pa ako pumunta sa Restaurant ay hindi ko malalaman na may problema siya. Habang naghihintay kasi sa kanyang office niya ay wala sa loob na binuksan ko ang drawer sa table niya. At nakita ko nga ang sue paper. Kinakasuhan na siya ng taong inutangan niya ng malaking halaga. Marahil ginamit niya ang pera sa pagpapatayo ng dalawang branch at hindi na nakabayad pa dahil may bumukas na bagong restaurant sa harap ng main branch. Higit na mas malaki kung ipagatatabi sa Harvey's Diner. Kumunti raw ang customer dahil dito. Nakita ko rin sa iba pang mga papel

