FRANCHESKA’S POV “Kasalanan mo kasi may annulment ka pang nalalaman,” sabi ko kay Harvey. “Sweetheart, doon ka na lang sa Condo,” Napatirik ang mata ko. Bumangon. Nagsuot ng admit. Simula nang makauwi kami sa Maynila ay ginawa na namin lovenest ang isang hotel. Dito kami nagkikita tuwing gabi at mag-i-stay nang dalawang oras. Actually, dahil alam naman ng parents ko na nagkabalikan kami ay pwede na siyang matulog doon sa mansyon o ako sa Condo niya. Pero trip ko rin siyang asarin dahil sa paandar niyang annulment. Ang labas niyan, ako lang nasaktan at na-depress? No way! Kaya bilang parusa ay hindi ko siya pabibigyan na magsama kami sa iisang bubong. Hindi na ako pumirma sa pinadala na kontrata para sa new project ng firm. Pero kailangan ko pa rin makabalik sa America. I’ll be staying

