Napalingon sa gawi namin si Kuya Chad. "Kisma, baby?" tawag niya sa akin. Dahil doon ay napalingon na silang lahat sa amin. Agad na lumapit sa amin si Andrei na may halo-halong emosyon sa mga mata. Alam na kaya niyang kapatid niya si Ghian? Ramdam ko ang marahang pagpisil ni Ghian sa aking kaliwang kamay. Nang tuluyang makalapit si Andrei sa amin ay kaagad niyang inundayan ng suntok si Ghian. "Ghian! Andrei, tama na!" sigaw ko nang paulanan ng suntok ni Andrei si Ghian sa mukha. Bumulagta na sa buhanginan si Ghian pero hindi man lang ito nagtangkang lumaban. "Andrei, tama na! Kuya mo siya!" sigaw ko ulit nang hindi pa rin siya matigil. Kita ko na ang pagtalsik ng dugo sa ilong ni Ghian. Bigla namang tumigil si Andrei at madilim ang mukhang humarap sa akin. "I know! Yes, i f*****g kno