ONE MONTH LATER "I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride," pag-aanunsiyo ni Father sa aming harapan kaya nagharap na kami ni Ghian. Itinaas na niya ang suot kong belo at hinapit ako sa baywang palapit sa kaniya. Puno ng pagmamahal ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan pa ang ginawa niyang paglapit sa akin. "Ano ba iyan?! Pa-intense naman!" biglang may sumigaw na boses na malapit lang sa amin. Lintek ka Bryan! Maya ka lang sa akin. "Whoa! Gutom na gutom na kami!" tinig naman ni Floyd. "Oo nga, baka mapanis 'yong lechon!" Nash. Nagtatawanan ang mga bisita sa mga kalokohan ng mga ito. "Tagal naman." Bahagyang namilog ang aking mga mata ng tinig naman ni Andrei ang aking narinig. Pero si Ghian ay parang walang naririnig sa paligid. Patuloy siya sa dahan-dahan niyang pa