Hinabol ko siya pero nagmadali na siyang makapasok sa kaniyang unit kaya hindi ko na rin naman inabutan. B'wisit talaga siya! Kakainis! Pumasok na lang din ako sa unit namin ni Mia at ibinagsak pasara ang pinto. Nagdiretso na ako sa room ko kasi kumain naman na ako. Nagpahinga lang ako ng kaunti bago ako naglinis ng katawan. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Kuya at kung nasaan ngayon sila Papa at Mama. At sino ang tinutukoy ni Kuya na kailangan niyang maunahan doon? Haays! Napakaraming gumugulo ngayon sa utak ko! Humiga na ako at pinilit makatulog. Mga 10 pa ng maghahating-gabi ang dating ni Mia. *** "Uhmn," impit kong ungol nang makaramdam na naman ako ng mga paghalik sa aking leeg. Humahaplos ang mga kamay niya sa aking mga braso kasabay ng mga paghalik niya dito pa-akyat sa akin