Veronica's POV "IS THAT a rose?" Natigilan ako sa pagsasalita nang sabihin iyon ni Tita Sabel. Tanghali na. Kasalukuyan kaming may video chat dahil sinabihan ko ito ng tungkol kay Uncle Markus. Mula sa screen ng aking laptop, mabilis akong lumingon sa kama at nakita ang rosas sa ibabaw nito. Muli kong nilingon si Tita Sabel at ngumiti. "Opo, Tita. Ang ganda, `no?" Tumango si Tita Sabel. "Saan mo nakuha `yan? I assumed, totoo `yan? Maganda ang kulay at halatang inalagaan nang mabuti bago pinitas." Bahagya akong ngumiti rito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Chronos o hindi. "Galing ba `yan sa isang manliligaw?" Agad akong nag-angat ng mukha sa narinig. "Hindi po," iling ko bago ngumiti. "Galing po ito sa isang kaibigan, Tita. Binigyan niya ako para