Veronica's POV "ASWANG?" Nakuha ni Mae ang atensiyon ko nang marinig ang salitang binanggit nito. Nang dahil sa naging reaksiyon ko ay muli siyang ngumiti sa akin. "Laganap na rito sa atin `yan. Halos lahat ng tao, `yan ang pinag-uusapan," dagdag pa niya. Nag-usap kami ni Mae tungkol sa mga nangyayari sa barangay namin at laking gulat ko nang malamang marami pala siyang alam tungkol sa mga aswang. Ang iba ay nabasa ko na sa internet habang ang iba naman ay hindi, katulad na lamang ng kung paano mo malalaman na aswang ang taong kausap mo hindi nagdadala ng hintura. Marami pa siyang naikuwento sa akin tungkol sa mga aswang. Kagaya ko ay mahilig din pala siyang magbasa tungkol sa mga kakaibang nilalang ng dilim. Matagal na oras din kaming nag-usap. Nasa ganoon pa kaming senaryo nang bi