Chapter 17 Vanish Kinabukasan umuwi na kami. Marami kaming dalang remembrance at iba pa. Minsanan lang kasi magkita sila mama at mga kapatid niya dahil sa malayo ang mga probinsya nila. Hiningi rin ni Andre at Niko ang aking cellphone number. Umaga ng martes maaga ako sa eskwelahan. Kagabi, magdamag kaming magkausap ni kuya sa cellphone hanggang inantok nalang ako at nakatulog. Aaminin ko na may parte sa akin na masaya pero nalalamangan ng kaba. Mahirap rin itago lalo na dahil iisang eskwelahan lang kami ni kuya. "Ara!" Napatingin ako sa aking likuran. Si Saymon pala. "Nagbakasyon kayo?" Tumango ako, "Oo