Mabilis na bumaba pareho si King Neil at Shane nang hagdan para hanapin ang nawawala nilang mga anak nang napahinto sila dahil nakita nila ang mga bata na nakikipaglaro pareho sa Grandparents ng mga ito. "Oh, gising na pala kayo. Sorry, I already get the twins out of your room because I heard them crying kanina at ng sumilip ako sa loob, I saw you two were still asleep kaya naman kinuha ko sila at naglaro kami rito. Don't worry I already gave them milk, your Daddy made it a while ago," banggit ni Kristine while playing with the twins. Napangiti at nawala ang kaba sa dibdib pareho si Shane at King Neil after nila malaman ang tunay na dahilan kung bakit nawala ang kambal sa kwarto nila. "Kumain na kayo, mga anak. May food na sa lamesa since maaga kami nagising, at maya-maya ay pupunta na