Auburn’s Point of View Hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak nang marinig ko ang sinabi ni Charlotte. Sobrang pagod na ng katawan ko dahil sa walang-tigil na paglalakad para lang makarating sa outer tower nang mabilis. Pero nawala ang lahat ng ‘yon dahil sa balitang natanggap ko. Tears rolled down my cheeks as I could no longer contain the delight and bliss I am feeling. Napatingin ako kay Mack at ang laki rin ng ngisi niya. He looks so proud and on the verge of crying. The four of us were the first ones to dream about rising to the top of the ranks. We were the witness of Charlotte’s dream and we were also the ones who supported her and gave her a push; kaya noong labis-labis ang pagkumbinsi niya sa mga kaklase namin na sumaling muli sa quarter duels, kahit na ayaw na namin dahil pa