Olivia’s Point of View Ako ang kauna-unahang nakapasok sa waiting room para sa ikatlong round. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil wala akong makausap maliban kay Sunne. Sobrang g**o ng isip ko dahil ang dami kong nalaman na hindi ko inaasahang malalaman ko ngayong araw. Dumagdag pa ang estrangherong ‘yon. I am sure they’re the one who tried to connect with me. Pero hindi ko rin mapigilang maisip kung paano niya ‘yon nagawa. I am sure they were trying to establish a connection. “Sa tingin ko ay may ideya ako kung sino ang taong ‘yon, master,” sambit sa akin ni Sunne sa aking isipan. “You felt it, too?” tanong ko sa kanya. “Oo. They were trying to reach me, too, but something stopped the attempt and I think it is the anomaly in the nature,” she replied before she looked at m