IÑIGO F*ck... This is a bullsh*t! Nakita agad ng mga mata ko sina Drake at Jilliane na papasok ng pavilion, magkahawak kamay pa silang naglalakad tapos nilapitan ang mga ito ni Jigz, hindi ko na inalis ang tingin ko kay Jilliane simula nuon. Napakaganda niya sa kanyang suot, mabuti na lang at nagkasya sa kanya ang binili kong damit at sapatos. Yes... Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa stylist ko para ikunsulta sa kanya kung anong bagay na isuot ni Jilliane for this occasion at tinulungan naman niya akong mamili ng damit, sapatos even accessories for her dito sa aming high end store. Naiinis ako kay Drake, lalo na kapag nagkakadikit ang katawan nila ni Jilliane at masaya silang nagtatawanan, sinisikap kong maging kalmado pero sa totoo lang gustong-gusto ko ng sugurin ito at suntukin