Jilliane Rise And Shine With Lian Abot-abot ang aking nerbiyos sa tanang buhay ko hindi ko lubos maisip na haharap ako on national television at mag ge-guest sa pinakasikat na morning show ng pinakasikat na estasyon sa bansa. Naiwan ako sa dressing room at nauna ng pumasok sa studio si Iñigo ngunit ganuon pa man may malaking tv sa loob ng dressing room na ito at dahil live ang show ay napapanuod ko ang mga nangyayari sa labas. Lian Last: "Finally after so many years of waiting, pumayag din siyang mag guest sa show na ito, let's give him a warm of applause, Most Influential People according to City Time Magazine, Young Billionaire, Most Promising Business Tycoon and Most Eligible Bachelor one of the T-Dragons and the President's son Mr. Iñigo Vander." Pag sabi ng cue ay lumabas si I