Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha, at ikinasisilaw ko iyon, patamad akong bumangon sa aking kama ngunit bigla ko namang nasapo ang aking ulo. "Aaaahh! Ang sakit!" May hang over pa ata ako.. Naalala ko nalasing pala ako ng todo kagabi. Binalikan ko sa aking alala ang mga nangyari kagabi. Shems..Nakakahiya kay Drake naturingan pa namang boss ko pagkatapos ginawa lang naming taga hatid ni Criselle. Yung totoo ano pa kayang mga kagagahan ang nagawa ko kagabi? Gosh wala na akong maalala bukod dun sa pag iyak namin at pagdating ni Drake sa bar. Tuluyan na akong bumangon para pumunta sa kitchen, nakaramdam na ako ng matinding gutom hindi rin pala ako naghapunan kagabi. Laking dismaya ko ng mapagtanto kong hindi ko pa nga pala naasikaso ang pag go-grocery kaya kahit ano