Hindi napigilan ni Brix na komprontahin ang ama matapos nilang mag usap ni Jilliane ay sinadya niya ito sa Empire Dragons. "What made you here son?" Nagtatakang tanong nito ng iluwa ng pinto ng kaniyang opisina ang bunsong anak. "An explanation Dad!" Seryosong sabi ni Brix nanatili itong nakatayo sa harapan ng amang nakaupo sa mamahaling couch. "For what?" Si Iñigo naman nang mga sandaling iyon ay papasok narin sa opisina ng ama pinatawag siya nito para may I- discuss na mga bagay na may kinalaman sa iba pa nilang negosyo abroad. Natigilan siya sa pagbukas ng pinto ng marinig niyang may kausap ito, bahagya niyang pinihit pabukas ang pinto para makita kung sino ang kausap ng ama. Napakunot ang kanyang noo ng makita ang kapatid na si Brix, kahit nakatalikod ito ay alam