Iñigo Hindi ako makapag concentrate sa aking trabaho dahil buong araw ay okupado lang ng isip ko si Jilliane, nakatambak ang mga papeles na kailangan kong basahin mga proposals na kailangan kong aprubahan, pero ni hindi ko man lang pinagkaabalang hawakan. Kaya naman nabuo ang isang desisyon, ititigil ko na ang paghihiganti nahihirapan na rin naman ako, ngayon mas gusto kong sundin ang udyok ng puso kaysa sa isip ko handa na akong magpatawad dahil narealized ko na hindi ako mabubuhay ng masaya kung puro galit ang mangingibabaw sa aking dibdib, dapat ko ng kausapin si Jilliane at itama ang lahat sa amin para makapagsimula uli at gusto ko ng totohanin ang pagpapanggap na ginawa namin kagabi. Alas tres palang ng hapon pero gusto ko ng hatakin ang oras para mag uwian na. Tsh, I cannot t